Monday, July 16, 2012

Sa kabila ng pagkadismaya sa ASEAN, PHL ipupursige ang Code of Conduct sa West PHL Sea

July 16, 2012 

Sa kabila ng pagkabigo ng Association of Southeast Asian Nations' (ASEAN) na maglabas ng pahayag tungkol sa alitan sa West Philippine Sea, hindi nito mapipigilan ang Pilipinas sa pagsusulong na magkaroon ng Code of Conduct sa lugar, inihayag ng Malacañang nitong Linggo.
 
Ayon kay deputy presidential spokesperson Abigail Valte, itutuloy pa rin ng Manila, kasama ang mga kapwa miyembro nito sa ASEAN, ang pagsasakatuparan ng Code of Conduct at maresobla na rin ang ilang isyu.
 
“The Philippines will continue to work with ASEAN member countries on the Code of Conduct. And hopefully we will be able to hammer out some of the contentious issues that were discussed in the past forum,” kanyang inihayag sa government-run dzRB radio.
 
Nauna nang inihayag ng Pilipinas ang kanilang pagkadismaya sa ASEAN sa hindi nito pag-isyu ng joint statement tungkol sa alitan sa naganap na taunang regional conference nito.
 
Ayon kay Valte, hindi pa rin naman mababago ang pakikitungo ng Pilipinas sa Cambodia, kasalakuyang pinuno ng ASEAN at ang umano'y pumigil sa paglalabas ng kasunduan. Isang malapit na kaalyado ng Cambodia ang China, na hindi sang-ayon sa joint action o paglalabas ng pahayag ng ASEAN tungkol sa alitan sa West Philippine Sea.
 
“The Philippines merely wanted the fact that discussions on Bajo de Masinloc [Panatag Shoal] be reflected in that communiqué,” aniya.
 
Noong Biyernes, nabigong magbigay ng desisyon ang ASEAN, sa pamumuno ng Cambodia, kung papaano tugunan ang alitan sa West Philippine Sea [na tinatawag ring South China Sea].
 
Hindi naglabas ng joint communiqué ang Cambodia, sa kabila ng pangigipit ng China sa pinag-aagawang lugar.
 
Sa ulat ng New York Times, mayroon umanong isang diplomat mula sa isa sa mga bansa ng ASEAN na naniniwalang China "bought the chair, simple as that." Tumangging pangalanan ang diplomat alinsunod sa protocol.
 
Ayon naman sa China, naging "productive" umano ang ASEAN na pagpupulong ng mga foreign minister.
 
Ayon naman sa isang artikulo ng stage news agency ng China, inihayag ni Yang Jiechi, foreign minister ng Xinhua, ang pagpapasalamat ng China sa pagsuporta ng Cambodia sa “core interests" ng kanilang bansa.
 
Binibigyan ng China ang Cambodia ng sapat na military assistance.
 
Dismayado ang DFA sa hindi paglalabas ng communiqué sa 45th ASEAN Foreign Minister's Meeting, at ito ay umano'y “unprecedented in ASEAN’s 45 year of existence.”
 
Sa isang pahayag, sinabi ng DFA na ang Pilipinas "takes strong exception" sa pahayag ng Chair of the ASEAN Foreign Ministers' Meeting at ito umano ay ang “the first time that ASEAN is not able to issue the Joint Communiqué due to bilateral conflict between some ASEAN Member States and a neighboring country.” — Amanda Fernandez/RSJ, GMA News

No comments: